Bangon Lyrics by Rico Blanco

Pinaluhod tayo,
sa isang hagupit
Niragasa, sinalanta,
pinaluha..
Humupa ang unos – isang bahaghari!
Dala ng bukang liwayway -
Pag-ibig,
Pagkakaisa
Bangon!
Pilipinas kong mahal
Akay ang pananampalataya sa Maykapal
Ahon!
Buhay sa ‘yong dugo
Ang tibay na tatak ng tunay na Pilipino
At nagising ang bayanihan
Milyon milyon naging isa
Walang kami
Walang kayo
Walang sila
Tanging ligaya
ay pag alay ng sarili sa iba
Bangon!
Pilipinas kong mahal
Akay ng pananampalataya sa Maykapal
Ahon!
Taglay ng yong dugo
Ang tibay na tatak ng tunay na Pilipino
Bridge:
Hindi ka namin iiwan
Hindi tayo susuko!
Lulusong tayo’t magtatagumpay…
Magtatagumpay!
Bangon!
Pilipinas kong mahal
Akay ang pananampalataya sa Maykapal
Ahon!
Buhay sa yong dugo
Ang tibay na tatak ng tunay na Pilipino
Coda:
Lahat nitong mga pagsubok
Ay ating kayang lagpasan
Lahat nitong mga pagsubok
Ay ating kayang lagpasan


Share This Music :
 

Post a Comment

 
Support : aTunes | Johny Template | Mas Template
Copyright © 2015. atunes! - All Rights Reserved
Template Owned by Adoniemar Doliguez Published by Mas Template
Proudly powered by Blogger