TONI GONZAGA - Di Ba Halata Lyrics


Di' Ba Halata
By:Toni Gonzaga 

Sa Twing Tayo Ay mag kikita na
Mag kabilang pisngi mo'y namumula
Kapag kinakausap tila bumibilis 
Pag bukas sara ng yong talukap
Nanginginig ang labi mong namumutla

Di ka makaimik at natutulala
Na para bang Nagulat
Kung meron kang di masabi sakin
Pwede mo namang isulat

Lagyan mo narin ng hug and kisses sa dulo
Bago ang pangalan mo
Wag ka ng manhid gusto mo 
Yakapin kita ng mahigpit
Para lang malaman mo


Di ba halata
Ikaw ang natipuhan ko hindi mo ba mapagtanto
Ang mga pahapyaw pasaring pwede mo pa akong mahalin
Di ba halata
Sapul ako kay kupido kahit na sobrang torpe mo
Di makatingin lahat ay aking gagawin upang iyong mahalin


Di ko alam kung anu ba ang gusto mo
Di ka makatagal na katabi ako
Kahit bagong paligo nag mumug at nag sipilyo
Pabango di naman nakakahilo

Please lang wag ka ng mag pakipot pa
Gusto mo pa ata na pinipikot ka
Teka di ka na mabiro
Halika na nga dito baka bigla mo kong ipaprisinto

Maramaing umaaligid sa aking matso at guwapo
Pero initsapwera ko
Wala ka masyadong dating pero 
Pag ngumiti laglag ang puso ko


Di ba halata
Ikaw ang natipuhan ko hindi mo ba mapagtanto
Ang mga pahapyaw pasaring pwede mo pa akong mahalin
Di ba halata
Sapul ako kay kupido kahit na sobrang torpe mo
Di makatingin lahat ay aking gagawin upang iyong mahalin


Ang mga salita na gusto ko sayoy sabihin
Biglang nawawala kapag ikaw ay parating
Nihindi ko magawang tumitig sayo ng harapan
kapag kausap ka naman hindi ko alam ang gagawin
Dahil nag aalangan dahil langit ka lupa ako
sabihan mo na ko ng torpe pero yan ang tototo
Sa Dami ng lalaking umaaligid sayo
Sa pananamit palang siguradong taob ako
Kaya sa awitin ko nalang ito idadaan

Kung anu ba talga aking nararamdaman
Mahal kita gusto kita sayo ko lang ibibigay
ang pag ibig kong taglay na sayo lang nakalaan
Masasabi ko lang yata to pag lasing ako 
pero panu yan hindi naman ako umiinom
sana'y mag karoon na ako ng lakas ng loob
Ng masabi ko na to sa tamang panahon

Di ba halata
Ikaw ang natipuhan ko hindi mo ba mapagtanto
Ang mga pahapyaw pasaring pwede mo pa akong mahalin
Di ba halata
Sapul ako kay kupido kahit na sobrang torpe mo
Di ka makatingin lahat ay aking gagawin upang iyong mahalin


Di mo ba pakikinggan damdamin kong may himig ng 
Pag ibig sana ay tinignan ang puso kahit silip lang

Di mo ba pakikinggan damdamin kong may himig ng 
Pag ibig sana ay tinignan ang puso kahit silip lang...

Share This Music :
 

Post a Comment

 
Support : aTunes | Johny Template | Mas Template
Copyright © 2015. atunes! - All Rights Reserved
Template Owned by Adoniemar Doliguez Published by Mas Template
Proudly powered by Blogger