Gloc 9 - Payag Lyrics


Gloc 9 - Payag Lyrics

Laging tanong sa akin ng iba
Bakit ka ba naniniwala sa kanya
'Di ko alam ganon lang talaga
Kung bakit, bakit pumapayag ako

Matatamis na mga salita
Parang latik na 'di niluto sa gata
Kilala mo pero ibang mukha
Bakit, bakit pumapayag ako

Halina sa lugar na kung saan
Masaya ang lahat ng mga kawatan
At kahit 'di totoo ang kanyang sinasabi Lagi siyang pinakikinggan
Walang pakialam sa salitang ilan

Kahit gano kamahal ang pinagbilhan
At kahit na dinoktor ang lahat ng detalye Lagi siyang napagbibigyan
Yan ang tanong sa akin ng iba Bakit ka ba naniniwala sa kanya
'Di ko alam ganon lang talaga

Bakit, bakit pumapayag ako
Matatamis na mga salita Parang latik na 'di niluto sa gata
Kilala mo pero ibang mukha
Bakit, bakit pumapayag ako

Sa mga kasinungalingan mo Kahit sinabi mong ika'y magbabago
Yan lang ang pinanghahawakan ko Bakit, bakit pumapayag ako
Nasan na ang mga pangako mo
Parang bula bigla nalang naglalaho

Minsa'y parang kasalanan ko Dahil, dahil pumapayag ako Dahil pumapayag ako
Oras na para gumising ka
Ba't 'di mo subukang buksan ang iyong mga mata
Kung ayaw nilang tumalon ba't 'di ka mauna
Sige subukan mo lang ng walang kakaba-kaba

Kung ito ang simula ng wakas

Isa-isa mong burahin ang mga bakas
Bago pa matuyo ang lahat ng katas
At tuluyang mabaliko ang lahat ng batas sa Pinas
Sa Pinas Ano ang yong pananaw sa lahat ng mga nangyayare sa Mindanao

Kapit lang kapatid huwag kang bibitaw
Hanggang sa apat naput apat na beses lumitaw
Ang katotohanan wag labanan
Tinabunan ipaglaban Kaawaan ang ating bayan
At nang malaman natin ang sagot sa
Laging tanong sa akin ng iba Bakit ka ba naniniwala sa kanya
'Di ko alam ganon lang talaga
Kung bakit, bakit pumapayag ako
Matatamis na mga salita Parang latik na 'di niluto sa gata
Kilala mo pero ibang mukha Bakit, bakit pumapayag ako
Bakit pumapayag ako Bakit pumapayag ako
Share This Music :
 

Post a Comment

 
Support : aTunes | Johny Template | Mas Template
Copyright © 2015. atunes! - All Rights Reserved
Template Owned by Adoniemar Doliguez Published by Mas Template
Proudly powered by Blogger